Hanap Baybayin

Maglaro tayo! Ang Hanap Baybayin ay isang laro na gumagamit ng biswal na sining. Dito masusubok ang inyong galing sa pagkilala ng mga simbolo ng Baybayin.

Mahusay ka ba sa direksyon? Subukan mo ngang hanapin ang katumbas ng bawat titik na patinig patungo sa mga simbolo ng Baybayin...


Pahalang, pababa, pahiwas [dayagonal], o pabaliktad man ang kinalalagyan ng mga simbolo, kaya mo bang hanapin? Ilang beses mong makikita sa larawan ang salitang "ba(y)bayi(n)" na nasa simbolo ng Baybayin?


Alam mo ba ang Pambansang Motto? Buuin mo nga ang mga salita sa motto sa pamamagitan ng paglagay ng simbolo ng Baybayin sa bawat kahon...


Masarap kapag payapa na may papaya pa! Kaya mo bang hanapin ang katumbas ng mga salitang "papaya" at "payapa" sa Baybayin? May bonus ka kapag nabilang mo pa kung ilan ang mga simbolo ng /Pa/ at /Ya/...




Para hindi ka maboplaks sa pagkakakulong mo sa bahay o trabaho, aliwin mo ang sarili mo sandali sa paghanap ng mga simbolo ng Baybayin sa mga buhol-buhol na guhit at alamin ang mahiwagang salita na para sa iyo ngayon...










Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts