Baybayin 18 [BA18] at Iba't Ibang Ra
Ang BA18 o B18 ay may labingwalong (18) simbolo ng Baybayin (3 patinig, 15 katinig). Kaya naging labinlima (15) ang mga katinig nito ay idinagdag ang simbolo ng /Ra/ sa labing-apat (14) na katinig ng Doctrina Christiana.
Mga Simbolo ng Ra
Sa kasalukuyan, may mga mungkahi para sa pagbabago ng mga simbolo ng Baybayin. Isa sa mga simbolo na idinagdag ay para sa katinig na /Ra/. Kaya, mula sa sinaunang /Da/ na nagiging /Ra/ ay nagkaroon ng iba't ibang anyo pa ang simbolong /Ra/ sa Baybayin.
Bagong Baybayin Ra
Sa Bagong Baybayin ni Norman de los Santos [Nordenx] ay matatagpuan ang /Ra/ na nagmula sa pinagsamang /Da/ at /Pa/. Isang tanda na guhit ang inilagay sa dating simbolong /Da/ sa bandang ibaba na linya. Ang simbolong /Ra/ na ito ay kilala na sa tawag na Nordenx Ra.
Maharlika Baybayin Ra
Sa bersyong Modern Baybayin na istilong Maharlika ni Jayson Villaruz ay may /Ra/ na mukhang titik "L" ng alpabetong Latin/Romano ngunit may tanda na guhit din sa pahalang na linya nito.
Sinaunang Baybayin Ra
Ang Sinaunang Baybayin ni Emil Yap na tinatawag niyang sagrado ay may simbolo rin para sa /Ra/ ngunit ito rin ang gamit sa /Da/.
Senyas Baybayin Ra
Sa Senyas Baybayin ni Tim Liwanag ay may iisa ring anyo ang /Da/ at /Ra/ ngunit ito'y mukhang pinihit na titik "R" ng alpabetong Latin/Romano.
Sa Pinasimpleng Baybayin naman ni Marthy Austria [Apulakang Siklab] ay may marka rin para sa simbolong /Ra/. Bagama't may tanda na guhit sa bandang ibaba na linya rin nito, wala na ang mga kulot sa simbolo ng kanyang /Ra/.
Baybayin Payakin Ra
Ang simbolo ng /Ra/ sa Baybayin Payakin ni Chuck Ramon [Pahusay Kudarat] ay simbolo rin ng /Da/. Mapapansin ang sulat-kamay o pinapayak na anyo ng mga karakter sa mungkahing ito.
Lahat ng mga nabanggit na katawagan para sa Baybayin ay nagsisilbing gabay at tatak ng ating mga Baybayinista. Anuman sa mga tsart ng Baybayin na may simbolong /Ra/ ang gagamitin ninuman ay kilalanin pa rin natin ang mga pinagmulan nito kahit ito'y mga mungkahi lamang.
Ano ang inyong masasabi?
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!
Comments
Post a Comment