BA18 (Baybayin 18) at Simbolong Ra mula sa Alpabeto ng Zambales



Sa aklat na La Antigua escritura Filipina (1922) ni Ignacio Villamor ay ipinakita niya ang paggamit ng simbolo para sa katinig na /Ra/ mula sa Alfabeto de Zambales na kinuha sa manuskrito ni Padre Agustino (1601). Ang kopya ng Alpabeto ng Zambales ay matatagpuan sa aklat na Estudio de los antiguos alfabetos Filipinos (1895) ni Cipriano Marcilla.

Ito ang simbolo ng katinig na /Ra/ sa panitik ng Zambales:



Ang katinig na /Ra/ na naging "Ri" sa salitang Amerika:


Tawagin nating BA18 o B18 [Baybayin 18] ito dahil idinagdag ang simbolong /Ra/ sa dating labimpitong (17) simbolo ng Baybayin na nasa Doctrina Christiana.

Baybayin 18 (Ba18)

Ang BA18 ay may labingwalong (18) simbolo ng Baybayin (3 patinig, 15 katinig).

3 PATINIG

Sa BA18 ay may tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U]. Ang simbolo ng /e/ at /i/ ay iisa. Ang karakter ng /o/ at /u/ ay iisa rin.

15 KATINIG

Ang labinlimang (15) katinig na may kasamang patinig na "a" ay ang mga sumusunod: Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Nga, Pa, Ra, Sa, Ta, Wa, at Ya.

Tandaan, sa BA18, idinagdag ang simbolong /Ra/ ng Panitik Zambales.




Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts