3 Patinig ng Baybayin

Ang tatlong patinig ng Baybayin ay A, I, at U. Ang bigkas ng I at E ay maaaring magkapalit ayon sa paggamit ng mga katutubo. Ganoon din sa pagggamit ng U at O; maaari itong magkapalit.

Maliban sa pagbigkas ng A-I-U, pag-aralan natin ang sulat-kamay ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal at ang kaibahan o pagkakahawig nito sa mga sulat-kamay ng mga dayuhan sa kanilang mga aklat ng Baybayin.



PATINIG NA "A"

Ang "A" sa Baybayin ay pangunahing patinig at ito'y bigkas-Tagalog gaya sa tunog ng "A" ng alpabetong Tagalog na Abakada. Hindi ito bigkas-Ingles na "ey" na mababasa natin sa alpabeto ng wikang Filipino.

Ang karakter na "A" sa Baybayin ay may anyong titik U sa alpabetong Tagalog at may dalawang guhit sa kaliwang bahagi. Maaari rin namang isa ang guhit na makikita sa kaliwa.

Ang patinig "A" sa Baybayin ay likas na kasama ng labing-apat (14) na katinig: Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya.

Ngunit ang "A" bilang isang patinig ay maaari rin namang gamitin na mag-isa sa mga sinusulat na mga salita gaya sa mga ito: ama, asa, at paa.



Kung gagayahin natin ang sulat-kamay ni Guillermo Tolentino, maaring isulat ang "A" na ganito:

PATINIG NA "I" ["E"]

Ang "I" o "E" sa Baybayin ay bigkas-Tagalog gaya sa tunog ng madiin na "I" o malambot na "E" ng alpabetong Tagalog. Hindi ito bigkas-Ingles na "ay" gaya sa titik "I" sa alpabeto ng wikang Filipino.



Ang karakter na "I" o "E" sa Baybayin ay may dalawang anyong maalon na guhit sa itaas at sa ibaba nito. Sa ibang sulat-kamay ay nagiging mukhang gitling o tuwid na guhit ang isang bahagi.

Ang simbolo ng "I" o "E" ay magagamit natin sa mga salitang ito: ina, isa, at babae.



Kung simpleng "I" o "E" ang gagawin natin, maaari nating isulat na ganito ang anyo:

PATINIG NA "U" ["O"]

Ang "U" o "O" sa Baybayin ay bigkas-Tagalog gaya sa tunog ng madiin na "U" o malambot na "O" ng alpabetong Tagalog. Hindi ito bigkas-Ingles na "yu" gaya sa titik "U" sa alpabeto ng wikang Filipino o kaya sa tunog "oh" ng titik "O" ng wikang Ingles.


Ang karakter na "U" o "O" sa Baybayin ay mukhang bilang (3). Ito ang pinakamadaling makilala na patinig.

Ang simbolo ng "I" o "E" ay magagamit natin sa mga salitang ito: una, usa, at tao.



Sa mga katutubo o sa mga dayuhan man, maaaring ganito ang anyo ng simbolong "U" o "O":


Ang tatlong patinig na A-I-U ng Baybayin ay madaling matutunan ninuman. Pagsasanay lamang ang kailangan sa paggamit ng bawat karakter o simbolo.





Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts