14 Katinig ng Baybayin



Ang labing-apat (14) na katinig ng Baybayin ay ang mga sumusunod:

Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya

PAGPALIT SA KATINIG NA MAY PATINIG "A"

"E/I" — KUDLIT SA ITAAS NG KATINIG

Ang tunog, bigkas, o basa sa bawat katinig na may "A" ay nagbabago kapag dinagdagan ito ng kudlit o marka sa itaas nito. Ang patinig "A" ay magiging "E/I":


"O/U" — KUDLIT SA IBABA NG KATINIG

Ang tunog, bigkas, o basa sa bawat katinig na may "A" ay nagbabago kapag dinagdagan ito ng kudlit o marka sa ibaba nito. Ang patinig "A" ay magiging "O/U":



Tandaan, ang 14 na katinig ay laging may kasamang patinig na "A" dahil ang Baybayin ay isang abugida. Iba ito sa alpabetong Filipino na isinusulat ang mga titik na B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, S, T, W, at Y. Ang mga katinig sa wikang Filipino na ang basa ay /Bi/, /Key/, /Di/, /Dyi/, /Eyts/, /El/, /Em/, /En/, /Endyi/, /Pi/, /Es/, /Ti/, /Dobolyu/, at /Way/ ay bigkas-Ingles, hindi bigkas-Tagalog.





Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts