BAYBAYIN


BAYBAYIN

Ang Baybayin, o baibayin, bilang isang abugida na mayroong labimpitong (17) karakter na sumisimbolo sa sistemang pagsulat ng mga ninuno ng mga Tagalog bago pa sila tawaging Filipino ay tatak ng isang pamayanang may kasarinlan at pakikipag-ugnayan sa isa't isa.

PANITIK TAGALOG

Ang Baybayin na kilala bilang Panitik Tagalog ay may tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Oo, ito ang Tagalog Baybayin.


MGA PATINIG

Ang tatlong (3) patinig nito na bigkas-Tagalog ay ang /a/, /i/, at /u/. Ang /i/ ay maaaring gamitin para sa patinig na /e/ at ang /u/ naman ay panghalili sa /o/. Ang /a/, /i/, at /u/ ay hindi binabasa na /ey/, /ay/, at /yu/ na bigkas-Ingles.


MGA KATINIG

Ang bawat katinig naman nito ay isinusulat na may kasamang patinig na /a/.

Ito ang labing-apat (14) na mga katinig: Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya.



Nagbabago ang tunog ng bawat katinig kapag dinadagdagan ito ng kudlit. Ang kudlit ay isang marka na maaaring ilagay sa itaas ng katinig upang mapalitan ang kasamang patinig na /a/ ng mga patinig na /e/ o /i/ at kapag inilagay naman sa ibaba ay mapapalitan ang patinig /a/ ng mga patinig na /o/ o /u/.

Tandaan, laging may kasamang patinig na /a/ sa sinaunang anyo ng mga katinig. Hindi ito isinusulat na mga titik B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, S, T, W, at Y. Hindi rin ito binibigkas na gaya sa mga katinig sa wikang Filipino na mga /Bi/, /Key/, /Di/, /Dyi/, /Eyts/, /El/, /Em/, /En/, /Endyi/, /Pi/, /Es/, /Ti/, /Dobolyu/, at /Way/.

Sa kasalukuyan, ang Baybayin ay aprubado na bilang pambansang paraan ng pagsusulat sa House Committe on Basic Education and Culture. Ang panukala ay tinawag na House Bill No. 1022 o National Writing System Act.

wika.





Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts