Bawas at Tudlik — Mga Pamatay-Patinig sa Unahan ng Katinig

Ang virama o pamatay-patinig na sinimulan ni Francisco Lopez sa simbolong krus (+) ay inilalagay sa ilalim ng katinig upang alisin ang kasamang patinig na "a" nito.

Sa panahon nina Guillermo Tolentino at Jose Sevilla ay nagbago ang kinalalagyan ng pamatay-patinig; ito'y inilagay na sa gawing kaliwa o unahang bahagi ng katinig.



Bawas (-) ni Guillermo Tolentino

Ang bawas (-) bilang pamatay-patinig ay kaaya-ayang gamitin dahil hindi ito nagmumukhang kudlit para sa patinig na "u" at ang posisyon nito sa bandang kaliwa ng katinig ay nagsisilbing tanda ng inalis na patinig "a".

Gumamit din si Jose Sevilla ng bawas-kudlit sa kanyang Sinupan ng Wikang Tagalog (1939).

Tudlik (') ni Jose Sevilla

Sa Maiikling Salayhay - Short Biographies ni Jose Sevilla ay mapapansin ang iba't ibang posisyon ng kudlit. Ang tudlik (') ni G. Sevilla ay tanda rin ng kanyang kakaibang paraan ng paggamit ng pamatay-patinig sa Panitik Tagalog.   

Pansinin ang mga posisyon ng tudlik sa larawan:



Ang tudlik ay matatagpuan sa kanan at kaliwang bahagi ng huling katinig sa salita.





Pamatay-Patinig Sa Kaliwa Bilang Apostrope

Sa ating paggamit ng Baybayin, mas mainam ba na gamitin na rin natin ang tudlik bilang apostrope?



Ang bawas at tudlik sa kaliwang bahagi ng katinig ay maaaring maging simbolo ng mga inalis na patinig sa isang silaba o salita.

Ano ang inyong masasabi?





Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts