UA para sa WA — Alpabetong Tagal (BA15)
Sa aklat ni Melchisedec Thevenot na Relations de divers voyages curieux ay ipinakita ang labinlimang (15) simbolo ng Baybayin na may tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U] at labindalawang (12) katinig [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya].
Mapapansin natin na wala ang mga simbolo ng NGa at Wa. Ang ginamit para sa tunog na "Wa" ay ang pinagsamang U at A [UA]. Para sa tunog naman ng "AW" ay pinagsama ang A at O [AO].
MGA SALITANG MAY "UA"
Ilan sa makikitang mga salita na may "UA" sa aklat ni G. Thevenot:
Diuata = Diwata
Saua = Sawa
Catolouan = Catolowan
Tinaua* = Timawa
*Ang Tinaua rito ay maaaring typo ng Timawa
SALITANG MAY "AO"
Mindanao = Mindanaw
PAGGAMIT NG TITIK "W"
Ayon kay Paul Morrow, si Trinidad Pardo de Tavera ang unang gumamit ng titik "W" sa kanyang sanaysay na Sanskrit in the Tagalog Language noong 1887.
Ngunit pinatunayan din ni G. Morrow na, sa orihinal na sinaunang ispeling, ang "U/O" ay ginamit para sa "W" gaya sa sumusunod na mga salita:
aua = awa
arao = araw
uaua = Wawa = Guagua
Mga Sanggunian:
- Relations de divers voyages curieux ni Melchisedec Thevenot
- Jose Rizal and the Filipino language ni Paul Morrow
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!
Comments
Post a Comment