Baybayin [BA16] ni Martinez Vigil



Ang Alfabeto Tagalog ni Martinez Vigil ay matatagpuan sa aklat ni Cipriano Marcilla na Estudio de los antiguos alfabetos Filipinos (1895). Tawagin nating BA16 [Baybayin 16] ito dahil sa labing-anim na karakter o simbolo.



3 PATINIG

Sa Baybayin ni G. Vigil ay may tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U]. Ang simbolo ng /e/ at /i/ ay iisa. Ang karakter ng /o/ at /u/ ay iisa rin.

13 KATINIG

Ang labintatlong (13) katinig na may kasamang patinig na "a" ay ang mga sumusunod: Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya, at NGa.

Tandaan, walang pamatay-patinig o virama sa BA16 o B16 ni Martinez Vigil.




Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts