Simbolong WA — Idinagdag sa Baybayin

Ang Alpabetong Tagal ni Melchisedec Thevenot o Baybayin ni Pedro Chirino ay may labinlimang (15) simbolo lamang: tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U] at labindalawang (12) katinig [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya].

Sa aklat ni Pedro Chirino na Relacion de las Islas Filipinas (1890) ay binanggit niya na ang mga katinig ay labindalawa lamang (12):






"Ang mga konsonante ay hindi hihigit sa labindalawa"

Samakatwid, sa Baybayin nina G. Thevenot at G. Chirino ay walang mga simbolo para sa mga katinig na NGa at Wa na makikita sa Doctrina Christiana (1593), ang pinakaunang aklat na naimprenta sa Pilipinas.

Baybayin sa Doctrina Christiana

Sa Doctrina Christiana, ang Baybayin ay tinawag na "El abc en lẽgua tagala" o "Ang abc sa wikang tagala." Dito, ang Baybayin ay may labimpitong (17) simbolo at makikita rin natin ang mga simbolo o karakter para sa NGA at Wa.



Ang nakakapagtaka rito ay makikita lamang sa hulihan ng labinlimang (15) simbolo ng Baybayin ang mga katinig na NGa at Wa sa Doctrina Christiana. Ibig sabihin ba nito na ang dalawa pang mga simbolo para sa NGa at Wa ay idinagdag lamang kaya naging labimpito (17)?



Ang unang labinlimang (15) simbolo ng Baybayin sa Doctrina Christiana:

A, O/U, E/I, Ha, Pa, Ka, Sa, La, Ta, Na, Ba, Ma, Ga, Da/Ra, Ya

Kung ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang aklat na naimprenta sa Pilipinas, kanino nanggaling ang mga simbolo ng Baybayin na inilathala rito? Bakit tinawag itong "abc" ng wikang Tagalog ngunit hindi naman ito alpabeto? Bakit hindi sunod-sunod gaya sa alpabeto ng Kastila ang ayos nito? At kung idinagdag lamang ang NGa at Wa, anong taon o kailan ginamit ang mga simbolo para sa NGa at Wa?

Idinagdag ang Simbolong WA sa Baybayin

Sa aklat ni Cipriano Marcilla na Estudio de los antiguos alfabetos Filipinos (1895) ay matatagpuan ang iba't ibang Baybayin. Isang kopya ng Baybayin na makikita rito ay tinawag na Alfabeto Tagalog ni Padre Martinez Vigil.



Ang Alpabetong Tagalog ni P. Vigil ay tatawagin nating BA16 [Baybayin 16] dahil ito ay may labing-anim na karakter [may tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U] at labintatlong (13) katinig [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya, NGa].

Sa ating pagsasaliksik ay nabasa natin sa pahinang ito ang tungkol sa UA na nakilala natin bilang katinig WA.

Dito ay mababasa ang pangungusap na:



"Parece que mas tarde se introdujo en el alfbeto tagalo la letra siguiente: UA."

Salin: "Tila pagkaraan na [sa ibang pagkakataon] ang sumusunod na titik ay ipinakilala sa alpabetong Tagalog: UA. [WA]"



Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts