Baybayin [BA15] ni Pedro Chirino



Sa aklat ni Pedro Chirino na Relacion de las Islas Filipinas (1890) ay ipinakita niya ang labinlimang (15) simbolo ng Baybayin na may  tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U] at labindalawang (12) katinig [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya].




3 PATINIG

Sa Baybayin ni G. Chirino, ang tatlong (3) patinig ay ang mga /a/, /e-i/, at /o-u/ at ito ay bigkas-Tagalog, hindi binabasa na /ey/, /ay/, at /yu/ na bigkas-Ingles. Ang /e-i/ ay magkapareho ang simbolo at /o-u/ ay magkaparehas din ang simbolo o karakter. 

12 KATINIG

Ayon kay G. Chirino, ang mga katinig ay labindalawa lamang (12):



"Ang mga konsonante ay hindi hihigit sa labindalawa, at nagsisilbi sila sa pagsulat ng katinig at patinig, sa ganitong paraan."

Ang bawat katinig naman nito ay isinusulat na may kasamang patinig na /a/:

Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, at Ya. 

Tandaan, walang pamatay-patinig o virama sa BA15 o B15 ni Pedro Chirino.



Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts