BA17x (Baybayin 17 at Eks-Kudlit)



BA17x

Ang modipikasyon sa Baybayin na base sa mga mungkahi ni Norberto Romualdez sa panitik ng mga Tagbanwa ay ang paggamit ng mga kudlit na > at < na pinagsama at naging X o x [eks, ekis] bilang pamatay-patinig [virama]. Ang katawagan na BA17x o B17x ay ginagamit upang kilalanin ang pagkakaiba ng Baybayin na base sa mungkahi ni G. Romualdez sa sinaunang Baybayin [BA17 o B17 na walang pamatay-patinig] at sa mga pangkasulukuyang panitik na gumagamit ng higit pang 17 simbolo.

KASAYSAYAN NG EKS-KUDLIT

Aralin natin ang mga halimbawa ni Norberto Romualdez sa paggamit ng mga kudlit na > at < bilang basehan o pinagmulan ng "eks" (X,x) na kudlit bilang pamatay-patinig [virama].

Ang kudlit na > ay makikita sa itaas, gitna, at ibaba ng mga simbolo ng Baybayin o panitik Tagbanwa ni G. Romualdez.

Ang kudlit na > ay ginagamit sa itaas o sa ibaba ng mga katinig na may kasamang patinig "A" gaya sa sinaunang Baybayin. Kapag ang > ay nasa itaas, ang katinig na may patinig na "A" ay nagiging "E/I" at kapag nasa ibaba, ang patinig ay nagiging "O/U" naman.


Ang kudlit na < ay ginagamit din sa itaas o sa ibaba ng mga katinig. Kapag ang < ay nasa itaas, ang patinig na "A" sa unahan ng katinig (hal. AT, AY) ay nagiging "E/I" at kapag nasa ibaba naman, ang patinig ay nagiging "O/U" naman. Binaliktad ang simbolo na > at ginawang < dahil ang mga patinig ay nasa unahan ng mga katinig.


Mapapansin din sa kanyang mungkahi na ang kudlit na < sa bandang gitna ng simbolo sa unahan ng katinig ay tanda ng patinig na "A".



PAGGAMIT NG EKS-KUDLIT

Dahil sa paggamit ng mga kudlit na > at < na magkasama sa gitna ng dalawang katinig ay nagkaroon ng anyong X [eks, ekis] sa mga simbolo ng Baybayin ni G. Romualdez.



Tandaan, ang kudlit na eks o ekis ay naging isang virama o pamatay-patinig sa kasalukuyan base sa mungkahi ni Norberto Romualdez bilang modipikasyon sa Panitik Tagbanwa ngunit makikita na rin ang paggamit nito sa Sulat Baybayin.



Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts