BA17 — Baybayin 17
BA17
Kilala ang Panitik Tagalog bilang Sulat Baybayin/Baibayin na may labimpitong (17) simbolo o karakter: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Ang bagong katawagan na BA17 o B17 ay ginagamit upang makilala ang pagkakaiba ng sinaunang Baybayin sa mga pangkasulukuyang panitik na gumagamit ng higit pang 17 simbolo.3 PATINIG
Ang tatlong (3) patinig nito na bigkas-Tagalog ay ang /a/, /i/, at /u/. Ang /i/ ay maaaring gamitin para sa patinig na /e/ at ang /u/ naman ay panghalili sa /o/. Ang /a/, /i/, at /u/ ay hindi binabasa na /ey/, /ay/, at /yu/ na bigkas-Ingles.
14 KATINIG
Ang bawat katinig naman nito ay isinusulat na may kasamang patinig na /a/.
Ito ang labing-apat (14) na mga katinig: Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya.
Tandaan, sa BA17 o B17 ay laging may kasamang patinig na /a/ sa sinaunang anyo ng mga katinig. Hindi ito isinusulat na mga titik B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, S, T, W, at Y. Hindi rin ito binibigkas na gaya sa mga katinig sa wikang Filipino na mga /Bi/, /Key/, /Di/, /Dyi/, /Eyts/, /El/, /Em/, /En/, /Endyi/, /Pi/, /Es/, /Ti/, /Dobolyu/, at /Way/.
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!
Comments
Post a Comment