BA17+ (Baybayin 17 at Krus-Kudlit)



BA17+

Ang modipikasyon sa Baybayin ay sinimulan ni Francisco Lopez sa pamamagitan ng pagdagdag ng kudlit na krus (+) bilang pamatay-patinig noong 1620. Ang katawagan na BA17+ o B17+ ay ginagamit upang kilalanin ang pagkakaiba ng Baybayin ni Lopez na may krus sa sinaunang Baybayin [BA17 o B17 na walang pamatay-patinig] at sa mga pangkasulukuyang panitik na gumagamit ng higit pang 17 simbolo.

PAGGAMIT NG KRUS-KUDLIT*

Nang isulat ni Padre Francisco Lopez ang katekismo ni Kardinal Belarmino sa wikang Ilocano ay ginamit niya ang mga karakter sa Baybayin (Tagalog). Sa 1895 na kopya ng El Belarmino del Padre Lopez ay ipinakita niya ang pagbaybay sa banal na pangalan ng tinawag niyang totoong Diyos (si Jesus o Jesuscristo) at ang paggamit ng kudlit na krus.

Ito ang screenshot ng Baybayin ni Lopez sa pangalan ni JESUS:



Ito naman ang Baybayin ni Lopez sa "Jesuscristo":

*Mula sa blog post ni Tim Liwanag

Tandaan, ang kudlit na krus ay isang virama o pamatay-patinig. Ito ay mungkahi ni Lopez para sa inaakalang pagtatama sa sinaunang Panitik Tagalog na sa tingin niya'y walang huling katinig.





Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts