Huling Katinig sa Baybayin

Ang labing-apat (14) na katinig ng Baybayin [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya] na ginamit sa Tagalog ay hindi na isinusulat kapag ito'y matatagpuan sa dulo o sa hulihan ng pantig sa pagbigkas ng salita.



Halimbawa, ganito ang pagkakaayos ng pantig sa salitang "Baybayin":

/Bay/ba/yin/

Sa Palapantigang Tagalog, ang salitang "Baybayin" ay may pormasyon na /KPK/KP/KPK/:

/KPK/KP/KPK/
= /Katinig-Patinig-Katinig/Katinig-Patinig/Katinig-Patinig-Katinig/

Ang mga huling katinig ay "Ya" at "Na" at ito'y may mga katumbas na simbolo sa Sulat Baybayin. Dahil ang mga ito'y dulo o huling katinig sa pantig, hindi na inilalagay ang mga simbolo nito ngunit binibigkas pa rin ito sa pagbasa ng salita.

ILAN PANG MGA HALIMBAWA

PORMASYON NG PANTIG

PK — patinig-katinig

Halimbawa:

Sa Sulat Baybayin, ang mga salitang "at," "ay," o "ang" kapag isinusulat ay gumagamit ng simbolong patinig "A" lamang, ngunit sa pangungusap ay binibigkas pa rin ang mga dulo o huling katinig nito.



KPK — katinig-patinig-katinig

Halimbawa:


Sa Sulat Baybayin, ang mga salitang "man," "mas," o "may" kapag isinusulat ay gumagamit ng simbolong katinig "Ma" lamang, ngunit sa pangungusap ay binibigkas pa rin ang mga dulo o huling katinig nito.




Tandaan, ang 14 na katinig ay laging may kasamang patinig na "A" dahil ang Baybayin ay isang abugida. Iba ito sa alpabetong Filipino na isinusulat ang mga titik na B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, S, T, W, at Y. Ang mga katinig sa wikang Filipino na ang basa ay /Bi/, /Key/, /Di/, /Dyi/, /Eyts/, /El/, /Em/, /En/, /Endyi/, /Pi/, /Es/, /Ti/, /Dobolyu/, at /Way/ ay bigkas-Ingles, hindi bigkas-Tagalog.




Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts