Mga Kurba Sa Baybayin

Sa Baybayin, may apat na kurba [paalon, anyong bilang (3), paumbok, anyong titik (U)] na maaaring tandaan upang mas madaling matutunan ang mga simbolo o karakter nito.



PAALON

Ang paalon na kurba ay makikita sa mga sumusunod na karakter: E/I, Ka, Da, La, Ha, at Ta




PA-3

Ang pa-3 o anyong "tatlo" na kurba ay mapapansin sa mga sumusunod na karakter: A, E/I, O/U, Ga, La, Na, NGa, at Sa


PAUMBOK

Ang paumbok naman na kurba ay makikita sa mga sumusunod na karakter: Ba, Ga, Na, NGa, at Wa




PA-U

Ang pa-U o anyong titik "U" na kurba ay makikita sa mga sumusunod na karakter: A, Ma, Pa, at Ya


Ang apat na kurba ay palatandaan lamang para mapadali ang pag-aaral sa mga hugis ng mga simbolo o karakter ng Baybayin.

Hinihikayat namin na gamitin ninyo ang inyong sariling sulatkamay o porma ng sulat sa panitik na Baybayin.








Sumali sa aming diskusyon sa Facebook: 


Sulong Baybayin! 
Mabuhay ang Baybayinista!

Comments

Popular Posts