May "J" ba sa Lumang Baybayin?
Nang isulat ni Padre Francisco Lopez ang katekismo ni Kardinal Belarmino sa wikang Ilocano ay ginamit niya ang mga karakter sa Baybayin (Tagalog). Sa 1895 na kopya ng El Belarmino del Padre Lopez ay ipinakita niya ang pagbaybay sa banal na pangalan ng tinawag niyang totoong Diyos— si Jesuscristo.
Ito ang screenshot ng Baybayin ni Lopez sa pangalan ni JESUS:
Ito naman ang Baybayin ni Lopez sa "Jesuscristo":
Ang Sulat Baybayin ng "Jesus" sa panahon ni Lopez ay "Sisus" at ang "Jesuscristo" naman ay "Sisukilistu" o "Sisukidistu." Hindi natin mababasa ang "Jesus" na /Dye•sus/ o /He•sus/.
Kahit sa Kastilang pangalan na Juan Bautista (John the Baptist) ay hindi ginamit ang tunog /Hu/ para sa "Juan."
Ito ang Baybayin ni Lopez sa "Juan Bautista" o "Juan Baptista":
Mayaman na ang wikang Filipino sa titik. May tunog /J/ o /dyey/ na sa ating bagong Ortograpiyang Pambansa. Puwede kaya nating dagdagan ang Sulat Baybayin at lagyan ng bagong karakter na tunog /J/ o /dyey/?

Comments
Post a Comment