Baybayin Sa Mga Nobelang 'Layas!' at 'Takas!'
Ang Literatura sa Pilipinas [Panitikang Pilipino]ay mayaman sa kasaysayan. Sa katunayan, lahat ng naisulat na matatagpuan bago pa man tawaging Filipinas ang ating Inang Bayan ay bahagi na ng panitikan ng mga katutubo.
Bago pa magkaroon ng Noli Me Tangere na isinulat ng ating dakilang bayani na si Dr. Jose Rizal hanggang sa nauusong mga kwento sa Wattpad.com tulad ng mga gawa kong nobelang 'Layas!' at 'Takas!' ay matatawag nating literatura.
Ang salitang literatura ay mula sa kasabihan ng mga Pranses na belles-lettres, na ang ibig sabihin ay "magandang sulat" [magandang kasulatan]. Kaya nga ang Sulat Baybayin na ginagamit ng mga katutubo noon bago pa sakupin ang Inang Bayan ay isang napakagandang literatura at sining na maipapamana sa mga Pilipinong manunulat ngayon.
Ang pinakadiwa ng mga nobelang 'Layas!' at 'Takas!' ay ang pag-ibig sa kalayaan. Ang Sulat Baybayin ay siyang susi sa kasarinlan na inaasam ng mga tauhan sa kwentong sinusubaybayan ngayon ng mga mambabasa sa Wattpad.com. Dahil po sa kanila, umabot ang 'Layas!' sa rank #16 sa Wattpad's Mystery/Thriller genre at ang 'Takas!' naman ay rank #30 sa Action genre.
Mabuhay po ang Panitikang Pilipino! Mabuhay ang Sulat Baybayin!
Comments
Post a Comment