3-Voweled Baybayin [A-E-O] sa Libreng Ortograpiyang Pambansa 2014

A-E-O, ito nga lang ba ang mga patinig sa preFilipino Baybayin?
[A-E-O, are these the only preFilipino Baybayin vowels?]

Magagamit na po ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa [OP]. Ang mga batayan at mga detalye ng wikang Filipino ay maipaliliwanag kahit pa sa mga bata. Pero nang makita ko po ang larawan ng OP 2014 na may Baybayin napaisip po ako tungkol sa antigong tatlong patinig na ginamit ng mga Katipunero.
[The 2014 edition of Ortograpiyang Pambansa [OP] is available. The basics and details of Filipino language are explicable even to children. But when I saw the picture of OP 2014 with Baybayin it made me think about the ancient 3 vowels that were used by the Katipuneros.]


Download Ortograpiyang Pambansa 2014 from KWF

Napansin ko po ang pag-ayos ng mga patinig karakter sa ganitong pagkakasunud-sunod:
[I noticed the arrangement of the vowel characters in this sequence:]


Ang mungkahi po noon ni Norberto Romualdez na dapat mabago ang mga patinig ay ipinahayag niya sa kanyang Philippine Orthography (1918). Ngunit inamin din po niya na may tatlo lamang na patinig talaga sa ating antigong Baybayin:
[The proposal before of Norberto Romualdez that the vowels should be changed was published by him in his Philippine Orthography (1918). But he also admitted that there are only 3 true vowels in our ancient Baybayin:]

"The original native dialects had but three vowel sounds. For this reason our ancient alphabets had only three signs to represent these sounds." 
Sa kanyang Bisayan dialect po ay alam niya na A-I-U ang laging gamit pero napatunayan din po niya na sa ibang mga diyalekto ay may "e" at "o" na mga tunog.
[He knew that in his Bisayan dialect A-I-U was always in usage but he had also proven that in other dialects there were "e" and "o" sounds.]

Kung tama nga si Sir Norberto Romualdez sa kanyang teoriya na tatlo lamang po ang mga tunog ng patinig at representasyon nito noon sa napakatandang Baybayin, A-I-U nga ba ito o A-E-O?
[If Sir Norberto Romualdez was right in his theory that there were only 3 vowel sounds and its representation before in the old Baybayin, was it A-I-U or A-E-O?]

Mukhang A-E-O nga po ang original dahil, ayon sa kanyang pag-aaral, ang "i" at "u" ay mga Spanish sounds.
[It seems A-E-O was the original because, according to his study, "i" and "u" are Spanish sounds.]

Sa patuloy na modernisasyon ng Baybayin, ipinakita ko na po ang mga ginawa ko na typefaces ng mga patinig A-E-I-O-U:
[In the continuing modernization of Baybayin, I have already shown my created typefaces of the vowels A-E-I-O-U:]

 

Ang A-E-O ay nanatiling tipong lumang Baybayin ayon sa pag-aaral ni Sir Norberto Romualdez; para naman sa "i" at "u" ang kudlit na tuldok at chevron /"v"/ ang mga naging tanda. Ang "tittle" kudlit sa itaas ng "i" ay may makasaysayang salaysay kaya ito ang higit na mabuti. Ang /"v"/ kudlit na tanda sa ibaba ng titik "u" ay mula sa original na Gothic "V" (1386).
[The A-E-O remained in its old Baybayin type according to Sir Norberto Romualdez; for the "i" and "u" the kudlit dot and chevron /"v"/ became its sign. The "tittle" kudlit above "i" have a historic account so this is preferable. The /"v"/ kudlit sign under the letter "u" is from the original Gothic "V" (1386).]

May pagbabago man ng kaunti o wala talaga sa tipo ng ating lumang Baybayin pero dahil lamang po sa patuloy na pagtrato nito. Mabuhay ang Baybayinismo!
[There may be some changes or nothing at all in the type of our old Baybayin but it's just because of its continuing treatment. Long live Baybayinism!]

Comments

Popular Posts